18/03/2026
71,700 Pinoy, bumisita ng Japan last February 2026
Ayon sa news na ito, umabot sa 3,466,700 katao ang pumasok na tourist dito sa Japan last February 2026 base sa data na inilabas ng JNTO today March 18. Compare last year of the same month, tumaas ito ng 6.4%.
Although bumaba ng almost 45% ang mga pumasok na Chinese tourist, tumaas naman ang bilang ng tourist mula sa Korea, Taiwan at Hong Kong.
By country, ang pinakamaraming tourist ay galing sa Korea (1,086,400), then Taiwan (693,600), China (396,400), Hong Kong (233,900) at America (219,700) ang pang lima. Ang mga Pinoy tourist naman ay umabot lang sa 71,700 katao.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.