20/09/2026
Pasensya na po sa aming mga customers, kailangan na po naming gawin ito. ๐
Hindi po talaga kami sanay at hindi rin po kami palaging nagpo-post sa social media. Pero sa ilang pagkakataon po, nakaranas na naman kami ng customer na nakatanggap ng serbisyo at hindi pa rin nagbayad sa kabila ng aming mga paalala.
Nakakalungkot po dahil paulit-ulit na lang po itong nangyayari. Kami po ay maliit na auto repair business lamang, at bawat serbisyo, labor, piyesa, oras at pagod po ng aming mga mekaniko ay may katumbas na halaga. Kapag hindi po nabayaran ang aming trabaho, malaking epekto po ito sa aming negosyo at sa aming mga empleyado.
Hindi po namin nais na mamahiya o makasakit ng kahit sino. Ang hangad lang po namin ay maging responsable ang bawat customer sa kanilang napagkasunduang bayaran.
Simula ngayon, mas magiging mahigpit na po kami sa aming payment terms and conditions, at magpapa-sign na rin po kami ng customer agreement bago o pagkatapos ng serbisyo, upang maging malinaw ang responsibilidad ng bawat panig.
Kung mayroon po kayong unsettled balance sa Yurikoe - Auto Repair Service, mangyaring makipag-ugnayan po sa amin privately upang maayos natin ito nang mahinahon at maayos. ๐
Maraming salamat po sa mga customers na patuloy na nagtitiwala, gumagalang, at higit sa lahat ay tumutupad sa kanilang obligasyon sa pagbabayad. โค๏ธ
Yurikoe - Auto Repair Service
Your Vehicle, Our Priority.
Thank you for understanding and supporting our small business. ๐๐ง