10/01/2025
Ingat po...
Kaya Wag po Tayo magtampo pag di na po tinatanggap ang tangke ko Lalo na po Yong talagang phase out na po for safety po NG lahat π
π¦π¨π πππ’π π‘π ππ£π π§ππ‘π πππππππ‘ π‘π π¦π¨π‘π’π π¦π ππππππ£π πππ§π¬; ππ¦π, π£ππ§ππ¬, πππππͺπ, π¦π¨πππ§ππ‘ | Kinumpirma ng mga otoridad na sumabog na Liquefied Petroleum Gas ang naging sanhi ng sunog sa I.M. Laundromat, Purok 1, Barangay 17-Rizal Street, Ilawod, Legazpi City na nagresulta sa pagkasawi ng isang 19 anyos na estudyante at pagkasugat ng dalawang iba pang indibidwal.
Ayon sa ulat ng Legazpi City Police Station, patay sa insidente si alyas βGeloβ, residente ng Gangao, Baleno, Masbate habang sugatan sina alyas βLenaβ, 38 anyos, laundry attendant; at alyas βLitaβ, parehong taga Tico-Tico, Barangay Taysan, Legazpi City.
Batay sa pahayag ng mga saksi, bigla na lamang nilang narinig ang malakas na pagsabog mula sa ikalawang palapag ng kanilang boarding house at nang kanilang tiningnan, nasusunog na ito.
Ayon naman sa isa sa mga biktimang nakaligtas, nagpalit siya ng regulator ng LPG tank na kumukonekta sa dryer machine.
Hindi niya umano ito nabubuksan, kayaβt agad siyang naghanap ng gamit at dito na biglang sumabog.
Nasa 16% ng katawan nito ang nasunog habang isa sa kasama nito ang nagtamo ng matinding tama sa ulo habang si alyas βGeloβ ay na-trap na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Kasalukuyan na ring nagpapagaling ang mga biktima habang naiuwi na sa pamilya ang labi ng nasawi sa insidente.