16/11/2021
PTPA
HI guys,
PLEASE LIKE AND SHARE.👍🏻
Thank you🙂🙏🏻🙏🏻
Mark Orcales
ANG KABALYERO SA LIKOD NG KASARINLAN
Ang mundo ay mapanghamon. May mga hindi inaasahang pangyayari na magpapakilos sa ating mga paa at lumaban sa pagsubok ng buhay. Si Jericho Lindain, labinlimang taong gulang mula sa Saranay, Guimba, Nueva Ecija, ngunit nagmimistulan niya na ring tahanan ang isang tindahan ng bibingka sa harap ng Guimba Plaza. Mula alas singko ng hapon hanggang alas nuwebe ng gabi ay tinutulungan niya ang kaniyang Tiyahin na si Arceli Lindain sa pagpapatakbo ng tindahan. Ayon sa kaniya, simula nang naparalisa ang kaniyang Tiyuhin buhat ng pagka-stroke dalawang taon na ang nakalilipas, siya na ang tumutulong sa kaniyang Tiyahin. Dagdag pa niya, nais niyang maipagpatuloy ang tindahan gamit ang resipi na ipinamana ng kanilang Lola sa kaniyang Tiyuhin.
Ang larawan ay nakuhanan gabi ng ika-13 ng Nobyembre habang siya ay nagkukudkod ng niyog. Walang sinuman ang handa sa kasarinlang naganap, ngunit ang mandirigma sa loob ni Jericho ay hindi natinag bagkus kumilos.