11/05/2026
KUKUHA KA NG LISENSYA, ANO ANO ANG KAILANGAN MONG MALAMAN SA KASALUKUYANG PATAKARAN? 🤔
➡️STUDENT PERMIT
Lahat ay kailangan kumuha muna nito bago makakuha ng Non-Professional o Professional License
✅15 hours Seminar na tinatawag na "THEORETICAL DRIVING COURSE" na hahatiin sa 3 session, sa makatuwid magkakaron ng tatlong(3) tigli-limang oras na seminar.
Q: Tungkol saan ang Seminar na ito?
A: Ito ay tungkol sa mga mahahalagang paksa sa pagmamaneho, kalsada at mga batas.
Q: Saan gagawin ang Seminar na ito?
A: Maaari mo itong gawin sa mga LTO Accredited Driving Schools
Q: Paano pag natapos ko na ang Theoretical Driving Course na ito?
A: Makakatanggap ka ng Certificate of Driving Course Completion na isa sa mga requirements para makakuha ng STUDENT PERMIT.
Q: Anu-ano na ba ang mga requirements sa pagkuha ng Student permit?
✔️ Authentic Birth Certificate PSA/NSO
✔️ Medical Certificate
✔1 Valid ID
✔️Certificate of Driving Course Completion
➡️NON-PROFESSIONAL DRIVING LICENSE
Q: Kailan ako pwedeng kumuha ng Non-pro License?
A: Dapat ay Holder ka na ng Student permit ng (32) araw o higit pa.
⚠️Magkakaron ito ng walong(😎 oras na PRACTICAL DRIVING COURSE.
Q: Anong kaibahan ng Practical Driving Course sa naunang Theoretical Driving Course na ginawa ko sa Student permit?
A: Ang Practical Driving Course ay aktuwal na pagmamaneho na talagang iba sa Theoretical Driving Course na nakikinig ka lang sa mga paksa.
Q: Saan gagawin ang Lesson na ito?
A: Sa kahit anung LTO Accredited Driving Schools.
Q: Paano pag natapos ko na ang Practical Driving Course na ito?
A: Makakatanggap ka ng Certificate of Driving Course Completion na isa sa mga requirements para makakuha ng Non-Professional Driver's License.
Q: Anu-ano na ba ang mga requirements sa pagkuha ng Non-Professional License?
✔️Student permit
✔️Medical Certificate
✔️Certificate of Driving Course Completion
Q: Validity?
A: Limang(5) Taon
AJ DRIVING LESSON ACADEMY GUIUAN BRACH
Brgy 5 San Nicolas St. Guiuan E.