23/06/2025
SAN PASCUAL SANITARY LANDFILL FACILITY (SPSLF)
Ang Sanitary Landfill Facility (SLF) sa San Pascual ay itinayo bilang pagsunod sa 10-year Solid Waste Management Plan ng Munisipyo at itinayo sa lugar alinsunod sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) — luma at bago o updated version.
Matapos mabigyan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay opisyal nang pinayagan ng ahensya ang operasyon nito noong Hunyo 24, 2018, ngunit nanatiling non-operational dahil sa kawalan nitong kakayahan na ma-sustain ang gastusin sa pagpapatakbo nito.
Nang dahil dito, noong 2019, naglabas ang Commission on Audit (COA) ng mga memorandum patungkol sa underutilization ng facility.
Upang maresolba ang isyung ito, noong 2022, ang LGU ay nagpasya nang pumasok sa isang Joint Venture Agreement (JVA) kasama ang Greentech Total Environmental Solutions Incorporated (GTESI), na inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Resolution No. 2022-11-203.
Sa pagka-apruba ng JVA, kaagad na hiniling ng GTESI sa DENR na i-upgrade ang SLF sa masmataas na category upang tumanggap ng masmaraming basura alinsunod sa JVA — na nabigyan naman ng ECC ng DENR matapos ang napakahaba at mabusising deliberasyon patungkol sa rehabilitasyon at pagpapalawak ng facility upang tumanggap ng masmaraming basura.
Kaugnay din dito, ang GTESI ay naglatag ng komprehensibong plano upang mabawasan ang mga environmental effects ng operasyon ng SLF, kabilang ang pagtataklob kaagad ng basura, paggamit ng masmagandang klaseng degassing agent para sa pagkontrol ng methane, at bumili na din ang GTESI ng HDPE Liner bilang additional na pantaklob sa basura.
Bukod dito, tinutugunan ng DENR at ng LGU ang anumang reports at mahigit na binabantayan ang operasyon upang matiyak ang pagsunod sa Republic Act 9003 (The Ecological Solid Waste Management Act of 2000), gayundin ang mga kaugnay na pamantayan ng kalidad ng hangin at tubig.
Sa mga surprise inspections at periodical monitoring ng pollution tests na isinagawa gamit ang mga equipment o aparato, ang resulta na lumabas ay nasa loob ng mga parameter ng DENR alinsunod sa Republic Act 8759 (The Philippine Clean Air Act of 1999).
Gayunpaman, ang LGU at GTESI ay tinutugunan ang anumang mga obserbasyon mula sa DENR at sa mga Barangay upang mapanatiling maayos ang SLF at sumusunod sa mga regulasyon ng DENR.
Drone shots 📸: Department of Environment and Natural Resources (DENR)