19/10/2026
📢 PUBLIC ADVISORY
Magandang araw po sa aming mga valued customers at suppliers.
Nais po naming ipaalam sa lahat na may natanggap kaming impormasyon tungkol sa paggamit ng pangalan ng aming store ng ibang tao.
Dahil dito, hinihiling po namin sa aming mga customers at suppliers na maging mapagmatyag at tiyaking ang anumang transaksyon, order, bayad, o usapan ay direktang ginagawa lamang sa amin.
Kung may makipagtransaksyon po sa inyo gamit ang pangalan ng aming store at hindi kayo sigurado kung kami iyon, mangyaring mag-confirm muna sa amin bago magbigay ng pera o anumang produkto.
Ginagawa po namin ang advisory na ito upang maprotektahan ang aming mga customers, suppliers, at ang pangalan ng aming negosyo.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, tiwala, at patuloy na suporta. ❤️
— Juaymah Motorcycle Parts & Accessories