17/10/2026
ππππππ ππππππβπ πππππππ ππ πππππ πππππππ ππππππππ ππππππππππ ππ πππ
Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng resolusyon laban sa isang Chinese national matapos mapatunayan ang pakikipagsabwatan nito sa isang personnel ng LTO kaugnay ng iregular na pag-isyu ng kanyang lisensya.
Batay sa imbestigasyon ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID), natuklasang hindi dumaan sa wastong proseso ang Chinese national sa pagkuha nito ng lisensya. Ayon sa mga rekord at audit trail report, na-encode ang lisensya sa pamamagitan ng isang data take-on facility noong 2015, sa kabila ng umiiral na mga patakaran sa pagproseso at pag-update ng mga rekord ng lisensya.
Sa resolusyong nilagdaan ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ipinataw ang mga sumusunod na parusa:
β’ β±20,000 na multa para sa paglabag na may kaugnayan sa pakikipagsabwatan sa iregular na pag-isyu ng lisensya;
β’ Pagbawi ng driverβs license; at
β’ Dalawang taong pagbabawal sa pag-aaplay para sa panibagong driverβs license, alinsunod sa mga kondisyong nakasaad sa resolusyon.
Inatasan din ang Chinese National na agarang isurrender ang lisensya.
Samantala, base sa resolusyon iniaatas sa LTO Calabarzon ang imbestigasyon at pag bibigay ng karampatang parusa laban sa kasabwat na LTO personnel sa maanomalyang transaksyon.
Patuloy na pinaiigting ng LTO CALABARZON, sa pamumuno ni Regional Director Elmer J. Decena, ang integridad ng mga transaksyon at ang mahigpit na pagsunod sa mga patakaran sa pag-isyu ng driverβs license. Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pananagutan at wastong proseso upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa serbisyo ng pamahalaan.