16/10/2026
Where is the laboratory result? Where is the DOH certification? Where is the monthly water test? Wala! Puro inom-inom sa harap ng camera para kunwari effective. Sa maliliit na negosyante.
Sa mga maliliit na negosyante at water refilling stations, daig niyo pa ang dumaan sa butas ng karayom. Buwan-buwang bacteriological test, semi-annual physical at chemical test, permit dito, bayad doon. Isang bagsak lang sa assessment, sarado agad ang negosyo mo! Milyon-milyon ang puhunan para sa mga mamahaling filtration system tulad ng reverse osmosis at UV light para lang masigurong ligtas ang publiko. Isang pagkakamali mo lang, kriminal ka na sa mata ng batas.
Pero pagdating sa mga nasa pwesto? Isang balde lang na may gripo at filter na mukhang project lang sa science ng elementary, pwede na raw inumin! May kasama pang engrandeng press conference at photoshoot habang umiinom ang mga opisyal para lang mag-glorify ang kanilang binitawang salita.
Bakit kapag pribadong sektor, bawal ang pwede na yan? Bakit kapag gobyerno ang may gawa, ang pamantayan ng kaligtasan ay bumababa hanggang sa antas ng isang basyong balde?
Hindi ito resiliency o pagiging malikhain. Ito ay harap-harapang kawalang-katarungan at pambabastos sa mga lehitimong negosyanteng nagpapakapuyat sumunod sa batas. Ang gobyerno ang dapat nagtatakda ng mataas na pamantayan, hindi ang nagpapakita ng pinakabulok na halimbawa!
ctto