22/04/2021
May isang client na nagtanong, magkano daw ang magpagawa ng computer table.
🔵IKUYA
🔴CLIENT
🔵Php 13,500 po sir sa ganyang design. Marine plywood
🔴Ang mahal naman lamesa lang, papatungan lang naman.
🔵Sa tingen niyo po ba, mga nasa magkano lang dapat?
🔴Php 5,000 lang, simpleng lamesa lang naman yan eh dba? MDF lang gamitin
🔵Sabi ko, sige sir, 5k, pero kayo na po ang gumawa.
🔴Pero di ako marunong nyan eh? Basic lang sayo yan
🔵sa 5k naman na yun sir, tuturuan naman po namin kayo gumawa. Nakatipid ka na ng 8,500, tapos natuto ka pa gumawa ng table, para next time pwede na po kayo gumawa ng mag-isa.
🔴Aba, ayos ah, sige deal na yan!
🔵Pero bago po tayo magsimula, kailangan niyo ng mga tools sir: table saw, a planer, a top, dormants, etc...
🔴Pero wala ako ng mga gamit na yan, at hindi ko kayang bilhin lahat yan, mahal yan eh, tsaka isang lamesa lang naman gagawin ko.
🔵Sige po sir, ipapa-rent ko nalang sa inyo lahat ng tools sa shop namin sir. 2,000 pesos po.
🔴Sige! Ayos na ako dyan.
🔵Sige sir, Tuesday po antayin ko kayo sa shop.
🔴ay hindi ako pwede ng tuesday, may trabaho ako, di ako pwede mag leave, sayang isang araw ng sahod ko.
🔵Sorry sir pero tuesday lang po available namin, sa ibang araw kasi, gagawin ko naman mga orders ng ibang client.
🔴Ganun ba? Sige, mag unpaid leave nalang ako. Sayang isang araw ng sahod ko.
🔵Siya nga pala sir, kailangan niyo din pala bayaran yung mga operating cost na magagamit sa pag-gawa po ng table ah.
🔴Ha? Ano naman yung mga yun?
🔵 Electricity, Fuel, Sand paper, drill bit if may mabali, etc etc
🔴Ang dami namang gastos, at ang aksaya sa oras. Nag absent pa ko sa trabaho para dyan.
🔵Opo sir, siya nga pala, 6am ang delivery ng supplier natin ng plywood, alis nalang po kayo ng 5am sa bahay niyo para hindi kayo ma-late sa pag receive ng delivery.
🔴6 am?! Masyadong maaga! Sa office nga 8am pa ang pasok namin eh!
.....
🔴Alam mo, sige, sayo ko nalang ipapagawa sa halagang 13,500. Atleast pag kayo ang gumawa, sanay na kayo at magiging perfect ang kalalabasan. Kaysa ako pa ang gumawa.
When you pay for a job, especially handcrafted, you pay not only for the material used, but also:
- Knowledge
- Experience
- Study
- Tools
- Services
- Time to go
- Punctuality
- Accountability
- Professionalism
- Accuracy
- Guaranteed
- Patents
- Sacrifices
- Safety and security
- Payment of tax obligations
Hindi nasusukat ang gawa ng isang tao, base lamang sa presyo. Kapag naunawaan niyo na lahat ng bagay na kailangang gawin para mabuo ang isang produkto, dun niyo maiintindihan bakit ganun ang presyo.