02/01/2026
Happy 2026 new year guys.
Sorry. Wala ako masyadong post at trips this 2025 kasi kalahati ng taon isa lang akong bus passenger princess, angkas, hatid, sundo, lakad, upo sa computer, uwi bahay, iyacc sa work. Laro ng ML Bang Bang. ππ
Puro byahe lang din at bisita sa bahay ng pamily members, at opisina narating this year. Tsaka inis sa flood control. Dyahe naman kung nagsswimming sa baha ang motor nyo, tapos papalit palit tayo ng motor just becozzz.
Pero alam nyo, nagsimula kasi ang page na to na pasahero lang ako ng buhay. Kaya nga Clueless Commuter diba. Hype lang magmotor coz it was so fun, and will always be. At nasa wishlist ko pa din para sa fb page na to ang Yamaha Sniper. π€
Yaan nyo. Pag may gala. Sasabihan ko kayo.
Pero bilang pagbati, ngayong 2026... Sinimulan namin ang pagpasyal sa Sampaloc Lake, San Pablo Laguna.
Ginawa na kasi nilang Eco Park ang 3.7 km circumference nito. Try nyo dumaan dun these days, guys. So fun. Saya dito kasi ginawa na nilang Lakeside foodpark yung ibang lote simula ng pasyalan namin to ilang taon na ang nakakalipas.
Puro kapihang Gen-Z. Camping chairs. Ihawan. Foodtripan. Drop-by maybe?
Masarap yung Ilocos Empanada, and yung well spiced Thai Street Food stalls. Sana makadaan ulit.
Sa susunod ulit na gala!
πVistaLago Foodpark, San Pablo Laguna