19/06/2026
πππππ ππ πππππππ
πππππππππ ππ ππππππππ ππ ππππππ'π πππππππ, πππππππππ'π πππππππ, πππππππ-ππππππ'π ππππππ, ππ ππππππππ ππ ππππππππ, ππππππππ ππ πππππ ππππ ππ ππππππ
Ipinapaalala ng Land Transportation Office (LTO) na ang pagpapalawig ng bisa ng driver's license, conductor's license, student-driver's permit, at rehistro ng sasakyan, gayundin ang hindi pagpapataw ng multa para sa late renewal, ay hanggang 31 Hulyo 2026 na lamang alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5157.
Pagkatapos ng nasabing petsa, ang mga expired na lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na hindi pa nare-renew ay sasailalim na sa umiiral na mga patakaran at kaukulang multa para sa late renewal.
Pinapayuhan ang lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan na i-renew na ang kanilang mga dokumento bago ang 31 Hulyo 2026 upang maiwasan ang abala at mga kaukulang parusa.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO o bisitahin ang opisyal na social media pages ng ahensya.