18/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐๐ ๐ข๐ต ๐๐๐ ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ฐ๐ณ๐ด ๐ข๐ต ๐ฅ๐ณ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด
Nais ipabatid ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber at operator ng Public Utility Jeepney (PUJ) at UV Express na kabilang sa ๐ฃ๐ญ๐ฎ/๐ ๐๐๐ฒ๐น ๐๐ถ๐๐ฐ๐ผ๐๐ป๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ na pansamantalang ipagpapaliban ang programa simula ngayong araw, ๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, kaugnay ng umiiral na election ban at nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang pansamantalang pagpapaliban ay isinasagawa habang hinihintay ang kaukulang aksyon at pag-apruba ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pagpapatuloy ng disbursement.
Makakaasa ang ating mga drayber at operator na patuloy na tinututukan ng ahensya ang prosesong ito upang maihatid ang fuel discount sa mga benepisyaryo sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.