10/07/2020
MGA MAHAL NAMING mga taga SITIOS TUYUAN, MALAYA CUBIC SIDE, TUCUMA,
Dahil sa nakabahalang pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19 sa Paranaque City lalong-lalo na po sa mga Informal Settler areas, ang ating Pamahalaang Brgy Merville ay nagdesisyon na pansamantalang ISARA ANG GATE NG TUYUAN-STA ANA, na lagusan ng ating mga kapatid na taga sitios Tuyuan, Malaya, Tucuma at Cubic Side papuntang Brgy Sun Valley. Ito ay ginawa bilang pag-iwas sa dilubyong sakit na COVID-19.
Sa araw na ito, naitala pa rin po sa record ng Department of Health na ang Parañaque ang pangalawa sa pinakamataas na kaso sa buong National Capital Region at ang Sun Valley ang kasunod na Brgy natin, ay pangalawa sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa District II.
Dahil dito, pinapayuhan po ang lahat ng residente ng apat na sitios (Tuyuan, Malaya, Cubic Side at Tucuma) na madalas na dumadaan sa gate ng Tuyuan-Sta Ana, lalong lalo na ang mga frontliners, workers at mga namamalengke na DUMAAN MUNA SA GATE NI TINITIGAN, Cubic Side palabas ng sitio. Sa kabila nito, inaayos pa po ng brgy Merville ang pagbawal ng South Admiral na padaanin ang mga tao galing sa Tinitigan gate papuntang Astra, kaya po pansamantalang nagbigay ng libreng pasakay o' sundo ang ating punong Barangay sa mga taong palabas o kaya pabalik sa Tinitigan gate. Tingnan nyo na lang po ang announcement ng Schedule ng ating Brgy Transpo from Tinitigan Gate to Astra (vice versa).
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa.
Naglilingkod,
Barangay Merville