20/12/2025
📣 Paalala sa lahat ng may-ari ng sasakyang may plate ending “1 & 2”!
Maari na po kayong mag-avail ng advance renewal ng inyong mga sasakyan ngayong December, alinsunod sa pinahihintulutang
two (2) months advance renewal.
🚗 Mga kagandahan ng advance renewal:
Wala masyadong pila ng buwan ng November at December.
Sa kasalukuyan, iisa lamang ang bukas na Private Emission Testing Center (Jazper Emission Testing Center), na maaaring magdulot ng mahabang pila at kakulangan sa slots pagdating ng January at February.
Upang masigurong nakarehistro sa tamang buwan, ayon sa plate ending number ng inyong sasakyan, at upang makaiwas sa anumang huli o penalty, hinihikayat po namin na bigyan ng prioridad ang pagpaparehistro ng inyong mga sasakyan.
Maraming salamat po.