20/05/2025
Ang pagkasira ng turbo (turbocharger) ay maaaring dulot ng iba't ibang dahilan.
Narito ang mga karaniwang sanhi.....
1. Kakulangan o kontaminadong langis (engine oil)..
Pinaka-karaniwang dahilan ng pagkasira...
Ang turbo ay may high-speed shaft na umaabot sa 150,000 RPM at umaasa sa malinis at sapat na langis para sa lubrication at cooling...
Kung mababa ang langis o may dumi (sludge, metal particles), puwedeng masira ang bearing o shaft.
2. Overheating o biglaang pagpapatay ng makina..
Kapag agad pinatay ang makina matapos ang mabilis na takbo, naiiwan ang init sa turbo at puwedeng magluto ang langis (oil coking) sa loob...
Nagiging sludge ang langis at bumabara sa turbo oil lines...
3. Maruming air intake o sirang air filter..
Kung may alikabok, buhangin, o debris na pumasok sa turbo, puwede nitong masira ang compressor blades...
Dapat laging malinis at buo ang air filter.
4. Boost leak o improper tuning..
Kung hindi tama ang air-fuel ratio, sobrang boost, o may tagas sa vacuum or boost lines, maaaring mapwersa ang turbo....
Ang mga aftermarket modifications na hindi maayos ang pagkakagawa ay madalas sanhi nito.
5. Pagkaka-install ng turbo nang mali..
Kung mali ang alignment, oil feed/return lines, o mounting bolts, agad itong makakaapekto sa performance at lifespan ng turbo...
6. Worn engine components..
Kung may problema na sa piston rings o valves, puwedeng magkaroon ng blow-by o oil contamination, na makakasira rin ng turbo...
7. Excessive exhaust temperature (EGT)..
Lalo na sa mga diesel engines, kapag mataas ang EGT, puwedeng ma-damage ang turbine housing o blades...
Tips mula sa Master Garage
Regular oil change, linis ng air filter at cool down after hataw.. yan paps ang sikreto para tumagal ang turbo mo.. Go ahead!