Repoman PH 777

Call Directions

Repoman PH 777 Voluntary surrender of the vehicle, carloan advisor, carloan problem advisor, repossession specialist.

AHENTE mo ang magpapahamak sa iyo, pag nqgkaproblema na ang sasabihin sa iyo, pinagtagpo ko lang po kayo. basahin nyo po...
10/10/2026

AHENTE mo ang magpapahamak sa iyo, pag nqgkaproblema na ang sasabihin sa iyo, pinagtagpo ko lang po kayo. basahin nyo po ang sagot ko sa dulo

PAALALA PARA SA MAY CARLOAN Kung may pumunta sa inyo at nagsabing kumpare daw ng agent, tapos pinamalita pa ang utang ni...
10/10/2026

PAALALA PARA SA MAY CARLOAN

Kung may pumunta sa inyo at nagsabing kumpare daw ng agent, tapos pinamalita pa ang utang niyo sa sasakyan sa ibang tao — hindi po ito tama.

Ang utang mo ay pribado.
Sa iyo lang dapat sila kausap.
Bawal nilang ikuwento sa kapitbahay, kamag-anak, o kahit sino pa ang tungkol sa utang mo.

Kung may ganyang nangyari:
Humingi ng valid ID
I-verify sa opisyal na numero ng financing company
Huwag makipag-usap sa ibang tao tungkol sa utang mo
Itala ang araw, oras, at detalye ng nangyari
Ireport kung uulitin

Huwag po tayong basta maniniwala sa “kumpare ng agent” lang.

pwede mong gamitin:  CARLOANNakatanggap ng text na pananakot? I-verify ang tawag. Huwag basta maniwala. Minsan may mga t...
10/10/2026

pwede mong gamitin:

CARLOAN
Nakatanggap ng text na pananakot? I-verify ang tawag. Huwag basta maniwala.

Minsan may mga text na biglang magsasabing:
“Hindi ka nakabayad, i-re-repossess na ang sasakyan mo.”
“Kailangan mong magbayad ngayon din, kung hindi…”
“May warrant ka na para sa car loan mo.”

Huwag agad mag-panic.
Huwag agad mag-click ng link.
Huwag magbibigay ng OTP, account number, o personal info sa text lang.

I-verify muna.
Tumawag sa opisyal na numero ng financing company.

Kung totoo ang abiso, harapin natin nang maayos.
Kung scam, i-report at i-block na agad.

Huwag hayaang gamitan ka ng pananakot

10/10/2026
10/10/2026

ipinamamalita sa kapitbahay ang utang
#
HINDI TAMA AT LABAG SA BATAS ITO!

ANO ANG GINAGAWA NILANG MALI:

- Pinamalitaan o ibinunyag ang utang mo sa ibang tao — kahit kamag-anak, kapitbahay, o kaibigan — BAWAL ITO
​
- Ang dapat nilang kausap ay IKAW LANG, o ang iyong co-maker/guarantor na nakapirma sa kontrata

ANONG BATAS ANG NILABAG NILA:

1. SEC Memorandum Circular No. 18, Series of 2019 — Bawal ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa utang mo sa ibang tao
​
2. Data Privacy Act (RA 10173) — Ang impormasyon tungkol sa utang mo ay pribado. Bawal ibunyag sa iba nang walang pahintulot mo

ANO ANG DAPAT MONG GAWIN:

KUNG NASA HARAP PA SILA:

"Huwag niyo po ikuwento sa iba ang utang ko. Labag po ito sa batas. Kausapin niyo lang po ako nang direkta. Kung hindi kayo mula sa authorized ng bangko, paalisin ko na kayo."

ITANONG MO SA KANILA:

- "May ID kayo at sulat mula sa bangko/financing na nagpapatunay na opisyal kayo?"
​
- "Bakit niyo ikinukuwento sa iba ang utang ko?"

dapat gawin

1. Itala ang araw, oras, at kung sino ang pumunta — pangalan, itsura, sasakyan kung meron
​
​
2. Kung uulitin — magreklamo sa SEC at National Privacy Commission — may karapatan kang magreklamo, kung hindi kayang bayaran maigeng isurrender na lamang ito sa bangko

gayon pa man dapat ka ring macbayad ng utang, mali rin na hindi magbayad at makipagusap,


CARLOAN — PASALO NG SASAKYAN: MAKUKULONG KA SA ART. 319 RPC Kung ikaw ang nagpapasalo ng sasakyan, tandaan mo:Kahit napa...
08/10/2026

CARLOAN — PASALO NG SASAKYAN: MAKUKULONG KA SA ART. 319 RPC

Kung ikaw ang nagpapasalo ng sasakyan, tandaan mo:
Kahit napasa mo na ang susi, ikaw pa rin ang nasa kontrata sa bangko.

1 Art. 319 RPC: Ang pagbebenta o pagpapasalo ng nakasanglang sasakyan nang walang pahintulot ng bangko ay krimen.
2,Pwede kang makulong, kasuhan ng estafa, at singilin ng buong halaga ng utang agad.
3, Kapag tumigil maghulog ang bumili magbayad — ikaw ang hahabulin ng bangko, hindi siya.

Ang tanging ligtas na paraan:
Pahintulot ng bangko + bagong kontrata + paglipat ng pangalan sa LTO.

Kung wala ‘yan — huwag ituloy. Mas malaki ang mawawala sa iyo.

Ibahagi mo sa mga kakilala mong may planong magpasalo ng sasakyan.








08/10/2026

saan ka nga ba magsusurrender kay ahente ba?

08/10/2026

Hanapan mo ako ng SASALO ng sasakyan ko Sir?

Sobrang delikado — para sa NAGPAPASALO at sa SUMASALO. may paglabag sa batas dito

PARA SA NAGPAPASALO — IKAW PA RIN ANG MAY UTANG!

1. Hindi Nawawala ang Pananagutan Mo

- Habang hindi nagpapalitan ang pangalan mo sa bangko — ikaw pa rin ang humiram
​
- Kahit nag-usap kayo ng sumalo — sa bangko, ikaw pa rin ang hahabulin
​
- Kung tumigil siya magbayad → ikaw ang singilin, ikaw ang kakasuhan

2. Pwede Kang MAKASUHAN — may KULONG!

- Art. 319, Revised Penal Code — Pagbebenta ng nakasanglang ari-arian nang walang pahintulot ng nagpautang → krimen ito, hindi lang sibil
​
- Parusa: Pagkakakulong ng 1 buwan hanggang 6 buwan o multa
​
- Estafa (Art. 315) — kung itinago mo na may utang pa → mas mabigat
​
- Breach of Contract — labag sa kontrata sa bangko → pwedeng singilin ang buong halaga agad (Acceleration Clause)

3. Hindi Na Mababawi ang Pinasalo

ipinasalo mo ang sasakyan → tumigil siya magbayad → hindi mo na mabawi ang sasakyan dahil itinago o ibinenta sa iba at ikaw pa rin ang may utang sa bangko


PARA SA SUMASALO — PERA AT SASAKYAN ANG MAWALA!

1. Kunin ng Bangko ang Sasakyan — Wala Kang Mababawi

- Kapag hindi nagbayad ang orihinal na may-ari, hindi ka rin nagbayad , hatakin ng bangko ang sasakyan sa iyo
​
- Nawala ang:
​
- 1, Pera na ibinayad mo sa nagpasalo
​
- 2, Sasakyan na sinalo mo
​
- 3, Buwanang hulog na ibinabayad mo
​
- 4, Wala kang habol sa bangko — hindi ka nila kilala

2. Hindi Ililipat ang Pangalan sa LTO

- May Encumbrance pa sa CR → hindi ililipat ng LTO sa pangalan mo
​
- Hindi ka tunay na may-ari — gumagamit ka lang
​
- Kapag may aksidente o kaso → hahanapin ang nakapangalan pa rin

-denied sa insurance

3. Pwede Ka Ring Makasuhan

- Kung alam mong may utang pa at walang pahintulot ng bangko → impleading







May  nagcocomment sa post KO na appreciated KO na nakuha ang attention KO at may matutunan po kayo both sa Amin,, magand...
07/10/2026

May nagcocomment sa post KO na appreciated KO na nakuha ang attention KO at may matutunan po kayo both sa Amin,, maganda po ang pinamulan ng aming palitan Ng txt, Sana mabigyan nyo rin Ng comment na makatulong SA mga viewers,

May deficiency balance ba o wala na?
















06/10/2026

Voluntary Surrender na 500K pa rin ang babayaran pa

tingnan sa comment section ang sagot ko ukol dito






Address

Quezon City
Manila
1008

Telephone

+639696688641

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Repoman PH 777 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category