19/05/2026
‼️Awareness post mga bossing‼️
Clarify ko lang tong post nito ng dating kasosyo ng page na si Mr. Khristian aka (MSP). May maayos na usapan po kami sa unit na ito Honda Civic SiR Body. Ang usapan po ay ipaparaffle at may cut syang 50k after 1 month, tapos usapan babayaran after 2 months pero ang sabi nya malulugi sya at binigyan ko sya ng isa pang option na ibenta nya nalang pag di nya kaya mahintay yung 2 months (which is okay lang naman dahil pwede kong gawing 180k yung cash prize or bumili ng ibang kotse na same build at walang madaming issue di tulad ng sa sasakyan nya). Sa totoo lang di ko na binili yung unit nya dahil ang dami po talagang issue, pogi lang talaga at nahihirapan ako humanap sa market ng kasing pogi ng civic vti nya ng time na yon. Kaya nag risk ako. Pero bayad na po ang rights nan na magamit sa raffle dahil paid na po yung 50k cut na napag usapan namin.
Fast forward May 1 nagbayad ako ng 25k para sa 50k profit n’ya, pero di ko nilahat para may panghawakan ako dahil wala pang maayos na vids ang nasa possession ko para maipost at mamarket yung kotse. Kaya nag ask ako sa kanya na mag send muna ng vids at isesend ko yung kulang. May 3 nagsend sya ng vid so sinend ko yung another 25k, at maayos po kaming nag usap. Ang usapan po ay kung piliin ng winner ay sasakyan, bibigyan ko nalang ang winner ng 180k cash since yun po ang presyo ng kotse. Nasa convo din po yan lahat. Yung iba sa call po napag usapan. Nasa screenshot naman yung duration ng mga call.
Ngayon after ko makapag bayad ng 50k kay Mr. Khristian aka (MSP) nagtetext padin po sya na hindi nya mabenta yung unit, at gusto nya bayadan ko ng 180k para daw di na sya mahirapan. Okay naman na sana at sabi ko di kakayanin dahil malulugi nako dahil first time ko sumosyo ng ganto at sobrang daming issue talaga ng unit nya. Nang guguilt trip sya at pinapalabas na ako pa nang gamit sa kanya kahit meron na syang 50k na profit in 1 month plus 180k worth ng car na mura nya lang naman nabili. In short, kumita na ho sya ng malaki sakin gusto nya pa ako ang pa problemahin nya sa unit nya. Gusto ko mang bilhin, ayoko naman magbigay ng car prize sa winner na puro issue dahil kasiraan po samin yon.
Inexplain ko lang para matigil na tong taong ‘to. Mahirap po ka transac yan, pagkatapos ka pakinabangan babaligtadin ka pa. Tuloy padin draw natin mga bossing, 180k na po ang cash prize natin. Hindi na mauulit to mga boss, hahanap na kami ng matinong unit para di na kailangan pa sumosyo. Hahay buhay 😅