27/07/2023
‼️❗TO ALL MOTORSHOP OWNERS❗‼️
❗BEWARE OF THIS KIND OF CUSTOMERS❗
Disclaimer: HINDI namin intensyon na mamahiya ng customer. This post is for awareness to all our fellow motorshop owners. Concern lang kami kasi dumadami yung ganitong gawain ng mga mamimili.
Pupunta sa shop, kulang ang pera, kukunin ang pinagawa.
Mangangakong babalik at magbabayad.
Hindi na babalik tapos ide-delay ang pagbabayad, kasi daw may bayarin.
Mangangakong mag babayad sa GCash.
Ide-delay na naman, kasi may dahilan na naman.
Mangangakong sa katapusan magbabayad.
Hanggang sa mga tindahan nalang ang magsawang maningil.
Nagtitiwala kami sa inyo, kasi hindi kami nag iisip na gagawan niyo kami ng ganito. Ilang buwan ang pinapalugit namin, pero lagi kayong hindi tumutupad sa pinapangako niyong araw ng pagbabayad.
Kung wala kayong pampagawa, wag kayo magpagawa.
Wag kayo mandamay at magdahilan. Lahat tayo may pangangailangan. HINDI LANG KAYO.
Para sayo, Linatoc Vin, magsilbing aral sana sayo ang ginawa mong ito. Pinakitaan ka namin ng kabaitan. Nangulit ka pa sa chat sa may-ari, at gusto mo pa dagdagan utang mo. Pinatawad ka namin, binigyan palugit. Kaso wala ka talaga intensyon magbayad. Wag ka mag-alala, pinatawad ka pa din namin. Hindi ka na din namin sisingilin.
P.S. Sa iba pang riders at mga customers, sana wag na natin pahirapan ang isa't-isa. Handa kami humarap at ngitian kayo araw-araw. Handa kaming tumulong. Pero sana tulungan niyo din kami bilang inyong lingkod sa motorsiklo.