30/05/2025
Kapag may NCAP, narito ang mga bagay na huwag mong gawin:
1. Huwag tumawid sa pulang ilaw. - Kahit walang enforcer, may CCTV. Isang huli lang, multa agad.
2. Huwag mag-counterflow. - Awtomatikong paglabag sa NCAP. Kahit mukhang walang tao, may mata ang kamera.
3. Huwag lumagpas sa takdang bilis. - Overspeeding? Kita agad ng mga smart cam. Ingat sa biglang hataw.
4. Huwag tumawid o huminto sa yellow box. - Kahit isang gulong lang ang pumasok habang trapiko, pwedeng tiketan.
5. Huwag mag-park sa bawal na lugar. - Kahit wala kang naistorbo, basta mali ang paradahan, kuha ka sa kamera.
6. Huwag kalimutang magsuot ng seatbelt o helmet. - Nakikita ng mga kamera ng NCAP kung hindi ka naka-safety gear.
7. Huwag gamitin ang cellphone habang nagmamaneho. - Lalo na kung kita sa windshield o hawak-hawak—sureball yan sa NCAP.
8. Huwag dumaan sa daanan ng bisikleta. - Para lang 'yan sa bisikleta. Kahit sandali kang dumaan, malinaw sa kamera at sure multa.
Paalala: Kahit walang Pulis o MMDA, may mga CCTV. Sundin ang batas trapiko—hindi natutulog ang NCAP.
🤣Stay LOLy with DOM! 😂👍
🤩 Like & Follow now! 👉 https://www.facebook.com/LOLwithDOM