21/10/2018
LARONG PAMBATA
WAG MONG GAWING MUNDO YONG ALAM MONG TAO LANG
Diko alam kong saan ako puydeng magsisimula,
Sa oras, o sa panahon,
Sa panahon nalang,
Magsimula nalang tayo sa panahong una tayong nag kita,
Noong simula pagkabata,
Sa mga larong pambata at ikaw ang nagsimula,
Ako ang ama-amahan at ikaw naman ang ina-inahan na may tatlong anak
at tayo'y nag kasal-kasalan,
Sisimulan ko na, na alam koy hanggang ngayuy para paring tayong bata,
Na naglalaro nang tago-tago an maliwanag ang buwan,
At pag bilang kung tatlo naka tago na ako,
At sabay sabing mahal hanapin mo ako,
Ilang oras ilang minuto sa kahihintay sayo,
Pa ulit-ulit akong sumisigaw mahal hanapin mo na ako,
At pa ulit-ulit nang pa ulit-ulit,
Hanggang lumipas ang isang araw sa kakatago sa puso mo,
Ako'y naghihintay lamang sayo,
Diko alam bakit hanggang ngayun nagtatago parin ako sa puso mo,
At lumalaban parin sa larong ito,
Na iinip na ako, hanapin mo na ako,
Bakit ba? Ano ba ang problima mahal,
Simple lang naman ang gusto ko ang hanapin mo ako,
Hanapin mo ako sa puso mo,
Mahal hindi ka bulag at alam mong hindi ka bulag,
Mahal nandito na ako sa harapan mo,
At akoy susuko na sa larong ito,
Buksan mo na ang mga mata mo,
Pagod na ang puso ko sa kahihintay sayo,
Kahit akoy lubos nang nasasaktan,
Pinilit kung lumabas para lang ipagtapat sayo nang harap harapan,
Para itanong sayo talaga bang akoy pinaglaroan mo lang,
Para makita mo kung ano ako sa buhay mo,
Mahal gumising kana sa katotohanan,
Wag kang mag manhid madhiran,
Sabihin mo na kung ano ang iyong nararamdaman,
Dahil hindi kita pipigilan,
Mahal lobus kitang ipinaglalaban sa larong tago-tago an,
Tapos ngayun akoy iiwan mo nalang,
Ang laro ay talagang laro lang wag mong gawing seryosohan
dahil alam kung alam mo, alam nating lahat tayo lang ang
masasaktan,