22/01/2026
14 Sugatan sa Banggaan ng Truck at Van sa Lucban–Tayabas Road
Labing-apat ang sugatan nang bumangga ang isang van at dump truck sa Lucban–Tayabas Road, Barangay Tiawe, Lucban, Quezon, Martes ng umaga, Enero 20.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-overtake ang van sa kurbadang bahagi ng kalsada at pumasok sa kabilang linya, dahilan ng banggaan sa kasalubong na dump truck.
Nagtamo ng bukol sa ulo ang driver ng dump truck, habang minor injuries ang driver ng van. Labindalawang pasahero ng van ay nagtamo ng pinsala sa ulo at tuhod at dinala sa ospital para sa lunas.
Sa ngayon, nagkasundo na ang mga sangkot na panig tungkol sa aksidente.
Sa kalsada, mag-ingat sa bawat galaw—huwag mag-overtake kung delikado. Siguraduhing may car insurance coverage ang sasakyan para sa proteksyon ng sarili at ng kapwa. Huwag hintayin ang aksidente—kumilos na at i-secure ang iyong insurance ngayon.
🎥ccto