28/07/2021
MOTORTRADE AT SUZUKI NAGDONATE NG PLASTIC BARRIERS PARA SA PUJs
Upang mapangalagan ang mga commuters sa kanilang araw-araw na pagsakay sa jeep, inilunsad ng MOTORTRADE kamakailan ang kanilang programang platic barrier donation sa 750 tradisyunal na Public Utility Jeepneys (PUJ) mula Luzon hanggang Visayas.
Ang bawat PUJ ay nakatanggap ng 14 plastic barriers na siya nilang ipinalit sa mga luma at sirang plastic barriers nila. Ito ay upang masiguro na ang mga commuters ay nabibigyan ng sapat na proteksyon at makaiwas sa pagkalat ng Corona Virus. Ang mga commuters at drivers ay inaasahan pa rin na susunod sa minimum health standards katulad ng pagsusuot ng face mask/ face shield at paggamit ng disinfectants tulad ng alcohol o sanitizer.
Nauunawan ng MOTORTRADE at SUZUKI ang hirap ng pagcocommute ngayon panahon ng pandemic kung kaya ang mga programang katulad nito ay kanilang sinusulong upang makatulong sa mga commuters, maging sa mga PUJ drivers at operators. Bukod sa plastic barriers, namahagi rin ang MOTORTRADE ng kanilang 50th Anniversary tumbler at jersey sa bawat PUJ operator.