22/09/2021
Sa mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC), allow me to clarify a few things:
1. PMVIC is currently NOT mandatory. Ibig sabihin— OPTIONAL. As a vehicle owner, may karapatan kang pumili kung saan ka magpapa-test ng sasakyan mo: kung sa PMVIC ba o sa Private Emission Testing Centers (PETC).
2. Ano ba ang kaibahan ng PMVIC sa PETC? Ang PETC, chine-check lang ang emission ng sasakyan mo. In other words, buga lang ng usok ang tinitingnan. While sa PMVIC, 72-point roadworthiness test ang isinasagawa— kasama na dyan ang emission testing, alignment ng gulong, carriage, brakes, busina, speedometer, makina, lights, among others.
3. Hindi totoo na P1600-P1,800 ang bayad ng sasakyan sa mga PMVIC for testing. Ang presyong singil ng nga PMVIC ay kaparehas lamang ng sa PETC. P300 for jeepneys (as PUVs), P500 for motorcycles, and P600 for private cars. Kung roadworthiness ang hanap mo, saan ka magpapa-inspect sa parehong bayad? Sa buga lang ng usok ang tinitingnan, o sa facility na magsasalang sa’yo sa complete roadworthiness test? It’s your choice.
Isa pa, kung bumagsak ka sa test ng PMVIC dahil may kailangan pang ipaayos sa sasakyan mo, wala nang bayad ang retest or reinspection mo. Waived na ‘yan.
4. Hindi rin totoo na nire-require ng DOTr na kumuha ang sinumang driver ng insurance sa PMVIC mismo. Malaking kasinungalingan ‘yan. Hindi saklaw ng DOTr ang insurance companies. May karapatan ang kahit sinong driver na pumili ng anumang insurance company o package na gusto nila para sa kanilang sasakyan. Choice nila ‘yan.
5. Ang priority ni Sec Art Tugade at ng DOTr ay ROAD SAFETY. Kaya inaayos ang sistema dahil nga gusto na nating matigil ‘yung bulok na nakagawian ng karamihan na ang mga sasakyan, kahit na “No Show” ay nakakapasa sa PETC. Talamak ang korapsyon. Napakarami nang aksidente sa kalsada na ang itinuturong salarin ay faulty brakes, pudpod na gulong, depektibong makina, etc.
6. Napakadaling ibintang na pinapatay ng PMVIC ang maliliit na negosyo, at mas mahal ang singil nila (na matagal naman nang ibinaba at ipinatas sa singil ng PETC), pero nakakaligtaan nating isaalang-alang ang katotohanan na ang buhay ng tao, WALANG KATUMBAS NA HALAGA. Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala dahil sa aksidente sa kalsada? Ilang aksidente pa ang isisisi sa LTO dahil nairerehistro ang mga bulok na sasakyan?
7. Noong 2016, when we came in, ang panawagan sa LTO ay higpitan at ayusin ang sistema ng pagkuha ng lisensya at pagrerehistro ng sasakyan. Ngayon, mas mahigpit at maayos na sistem ng pagkuha ng lisensya. Inaayos na rin ang sistema ng pagrerehistro ng sasakyan, upang masiguro na tanging mga roadworthy vehicles lamang ang makatatakbo sa kalsada.
Whichever path we take, may batikos. But we fully understand that in public service, there will always be complaints and opposition. But we will not surrender.
Dahil ang pagpapahalaga sa road safety, walang katumbas na salapi. At ang bawat buhay na maililigtas namin sa pagsusulong ng kaligtasan sa kalsada, ay isang tagumpay na hindi matutumbasan ng yaman o alipusta.
Dacal pung salamat.