19/06/2026
Aming Ama sa Langit,
Inilalapit namin sa Iyo ang bawat isa na dumaraan sa karamdaman, suliraning pinansyal, pagsubok sa negosyo, mga alalahanin sa pamilya, at maging ang kalagayan ng aming bansa. Maaaring hindi namin alam ang kanilang pinagdaraanan, ngunit alam Mo ang bawat puso at bawat pangangailangan.
Panginoon, pagalingin Mo ang mga may sakit, pagkalooban Mo ng sapat na pangangailangan ang mga nangangailangan, palakasin Mo ang mga nanghihina, at pagpalain Mo ang kanilang hanapbuhay at negosyo. Bigyan Mo ng karunungan ang aming mga pinuno at pagharian Mo ang aming bansa ng kapayapaan, pagkakaisa, at katuwiran.
Tulungan Mo kaming patuloy na magtiwala sa Iyo at maglingkod nang tapat, sapagkat naniniwala kaming walang imposible sa Iyo at hindi Mo kami kailanman iiwan.
At pupunan ng aking
Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan ayon sa Kanyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.โ
โ Filipos 4:19
Sa pangalan ni Jesus, aming dalangin.
Amen. ๐โค๏ธ๐ต๐ญ