17/09/2026
D.I.Y. TIPS.. Dapat bang linisan ang turbo? at kailan po ang ideal cleaning nito?
1. Ang turbo po natin ay umaandar gamit ang exhaust gas... kasama dyan ang oil na pang-lubricate sa loob nito... kapag hindi na napapalitan ang oil sa tamang schedule, unti-unti pong nagkakaron ng carbon buildup sa paligid ng turbo blades... hirap na po umikot ng maayos...
2. Kapag barado na ang daanan ng hangin dahil sa carbon deposits... humihina ang boost... piga ka na naman sa gas para lang umandar ng normal... dagdag load sa makina...
3. At kapag pinabayaan pa ng matagal... pwede pong mag-leak ang oil seals ng turbo dahil sa sobrang init at pressure buildup... doon papasok ang usok sa exhaust... at doon rin nagsisimula ang mas malaking gastos...
Ang matipid na paraan po dito... huwag hintayin na kumatok o mag-leak bago ipa-check... ang Turbo Cleaning po ay bahagi ng Heavy PMS natin, ideal po ito sa mga unit na umabot na ng 80,000 km pataas o kung may turbo lag na po kayong nararamdaman...
Dito po sa Master Garage Batangas, sinusukat muna namin ang boost pressure bago namin sabihing kailangan na talaga ng cleaning... hindi po hula lang basta-basta...
Ask our Service Advisor what level your vehicle needs today.
Sana po nakatulong...