23/10/2024
METAL TREATMENT CONCENTRATE (MTC)
Ang Polytron Metal Treatment Concentrate ay isa sa mga produkto na gumagamit ng micro metallurgical process na nagdudulot ng pagtibay ng mga bakal, pagbaba ng temperatura at pagbawas ng pressure ng makina.
Dahil sa malaking pagbawas ng friction at pagkasira ng makina, mas tatagal ang buhay nito at magbibigay ng magandang performance at matipid na konsumo sa gasolina o diesel.
Ano bang pinagmamalaki mo sa MTC?
Dahil natatanggal nito ang humigit 95% ng friction, napapahaba nito ang buhay ng makina mo.
Tumatahimik ang tunog ng makina at bumababa ang temperature.
Mas mahaba ang pagitan bago mag-change oil ulit. (Depende sa initial na kundisyon ng makina)
Napapanatili ng Polytron na malinis ang iyong makina dahil sa kakayanan nitong tumunaw ng mga carbon deposits, na nagbibigay ng mas magandang performance.
Na e-extend ang oil life ng filter.
Protektado ang makina mo kahit mainit o malamig ang panahon.
Kaya pa rin protektahan ang makina mo kahit na aksidenteng mawalan ng lubricating fluid.
Sobrang ganda pa rin ng performance kahit sa mga kundisyong may alikabok, dumi, moisture, o kahit matataas na temperatura.
Mas makakatipid ang iyong sasakyan sa konsumo ng gasolina o diesel.
Saan pwede gamitin ang MTC?
Maaaring gamitin ang Polytron MTC sa mga motor oils, transmission and torque fluids, tractor hydraulic fluids, paper machine oils, industrial oils, knit oils, handy oils, gear oils at metalworking cutting oils
Engine