18/10/2026
𝙏𝙄𝙏𝙇𝙀: 𝙈𝘼𝙂𝙎𝙄𝙈𝘽𝘼 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙈𝘼𝙂𝙏𝙄𝙉𝘿𝘼
Nasusulat:
Mga Taga-Roma 11:36
[36]Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.
Kung naiintindahan natin iyong Verse na ito, na lahat ng mayroon tayo ay galing sa Diyos, walang rason para unahin natin ang Magtinda kaya magsimba.
I understand the Feeling na kapag Business owner ka, Medyo malaki ang Income kapag weekend kasi marami ang Nasa Labas at Nagcecelebrate kasi iyon ang time ng Rest and bonding ng mga tao, at marami siguradong ang Consumers!
Pero as a Christian!
We need to Stand, na kahit anong mangyari, uunahin muna natin ang magsimba kaysa magtinda.
Kasi alam natin na lahat ng mayroon tayo ay galing sa Lord kaya dapat lang Purihin at sambahin ang Diyos na Source ng lahat ng Resources na mayroon tayo.
Also as Christian!
Tandaan natin na walang mahirap sa Diyos, Iyong Income na pwedeng kitain sa Linggo pwede yan ibigay ng Diyos sa Lunes o sa Ibang Araw at kaya niya pa iyang Doublehin at paramihin basta unahin mo lang siya.
Remember siya ang Diyos na nagpakain ng Libu-libong tao at nagparami ng Ilang pirasong isda at tinapay
Mateo 14:19-21
[19]Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao.
[20]Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay.
[21]May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Kaya Walang Hindi kayang paramihin ang Lord basta unahin mo lang siya
Kaya kapatid, Magsimba muna bago magtinda! Sumamba sa Diyos at huwag papayag na maging alipin ng Pera.
Church tayo, See you!
God bless po.