04/07/2025
Second Child Syndrome 👱🏽♀️👩🦰
Siguro kaya nabubuo ang tinatawag na Second Child Syndrome ay dahil sa natural na emosyon at kilos ng mga magulang pagdating sa kanilang pangalawang anak.
Kapag dumating ang unang anak, lahat bago. Bawat “first” ay pinagdiriwang. Lahat ng emosyon ay matindi at nakakatunaw ng puso. Bawat milestone ay parang mahika. Buong atensyon, oras, at tuwa ay nakatutok sa pagiging unang magulang.
Pagdating ng ikalawang anak, kahit pareho ang pagmamahal, hindi na ganoon kabagong lahat. Hindi na rin ganoon ka-intense ang emosyon. Hindi dahil sa mas kaunti ang pagmamahal...
mahal na mahal pa rin sila--- pero dahil hati na ang atensyon. Ang panganay ay may exclusive time, bagong laruan, bagong damit, at buong focus.
Pero ang pangalawa?
Madalas gamit na ang mga laruan, damit na minana.
Hati na ang oras. Hati na rin ang budget.
At kapag nagsimula nang pumasok sa school ang panganay, lalo pang nababawasan ang oras at atensyon.
Tapos dumating pa ang pangatlo, ang bunso. Natural lang na mapunta na naman sa kanya ang malaking bahagi ng oras at kalinga. Ang panganay, medyo independent na. Ang bunso, kailangan ng extra alaga.
At ang pangalawa?
------Nasa gitna.
Minsan nakakaramdam ng… naiiwan.
Minsang nagtataka kung saan sila nababagay.
Tahimik lang, pero may hinahanap.
Kaya marami sa mga second-born, natutong maging independent.
Natutong kumilos mag-isa.
Naging matatag, flexible, at masipag sa sarili nilang paraan.
Ito ang napapansin ko sa pangalawa kong anak,
napaka-independent niya.
Pare-pareho ang trato ko sa mga anak ko,
at “stage mom” ako sa kanilang lahat. Pero alam kong may kulang sa atensyon, lalo na’t magkadikit ang agwat ng edad nila.
Ramdam ko rin na may epekto ito sa kanya.
Ako rin ay 2nd / middle child...kaya I can understand..
Para sa lahat ng pangalawang anak...
Nakikita namin kayo. Mahal na mahal kayo.
Hindi kayo kailanman naging kulang.
Pareho kayong mahalaga.