Langkiwa Morillo Gas

Langkiwa Morillo Gas We deliver the exact weight of LPG / MORILLO GAS

✅ 2 days LPG training done✅ Certified Qualified Service Person accredited by DOEThank you Lord sa karunungan na ipinagka...
01/03/2026

✅ 2 days LPG training done
✅ Certified Qualified Service Person accredited by DOE

Thank you Lord sa karunungan na ipinagkaloob Mo po at ngayon ay higit ko pa pong naunawaan ngayon ang LPG business na Iyong ipinagkatiwala sa amin.

04/04/2022

Pakibasa po at paki-unawa! Ikinalulungkot ko pong sabihin na simula ngayong araw (April 4, 2022) sa lahat ng aming mga Customer na pansamantala po muna nating ititigil ang libreng tubig sa dalawang kadahilanan.
Una, hindi po talaga ako naging handa sa pangyayaring ito, basta nakita ko lang na gusto kong magpromo ng libreng tubig dahil sa sobrang taas ng presyo ngayon ng LPG kaya naman sa kagustuhan kong tumulong nagsagawa tayo ng promo kaya lamang may mga bagay na di ko naisip na magiging problema.
Pangalawa, hindi po kinakaya ng manpower sa dami ng deliver at idagdag mo pa, ang sobrang init ay nagdudulot ng pagtaas ng blood pressure at upang maiwasan ang anumang possibleng mangyari ay kailangan munang magpahinga.
Muli, ako po'y humihingi ng paumanhin sa lahat at umaasang ako'y inyong mauunawaan.

12/03/2022

Pakibasa at paki-unawa po!
Bunsod ng patuloy na pagtaas ng LPG, Gasolina, at iba pang mga bilihin ay naisip naming magbigay ng kaunting tulong kaya, simula po sa Lunes (March 14, 2022) ay magbibigay po kami ng libreng tubig (Mineral water) sa bawat pagbili niyo ng aming produktong LPG (Superkalan, 5kg,11kg, at 22kg). One is to one po, kapag 2 tangke po binili edi 2 Gallon po ng tubig ang libre. Halimbawa po ngayon kayo nagpadeliver ng Gas kinabukasan naman po ay idedeliver ang libre niyong tubig na magmumula sa Blue Aqua V sa Phase 1.
Nawa sa simpleng tubig kami po ay makatulong.

13/12/2021

Sa amin pong mga customers ito na po ang mechanics ng ating raffle, iniimbitahan ko rin po kayong manood ng live sa FB dahil meron po tayong question and answer at syempre po may prize din po. Sa mga wala pa po palang ticket pupwede po kayo magsadya dito sa bahay tuwing umaga kasi medyo kapos na po kami ng oras. Salamat po!
Christmas Raffle Mechanics
1. Each customer of Morillo Gas will automatically have 1 raffle entry. (1 entry per household)
2. The winner of the raffle will be drawn and announce during the live on December 21, 2021.
3. You have a chance to win this raffle as long as you have a raffle entry. Even if you do not watch the live.
For the winners:
1. Winners will be given 2 days from the day of the raffle to claim their prizes. Failure in claiming the prize in the given days (December 22 to 23, 2021) will lead to another winner.
2. In claiming your prizes please bring the other half of your ticket. Claimants who fail in bringing the ticket will not be permitted to claim their prizes.

Meron na po tayong available na superkalan burner, hose, at regulator
19/10/2021

Meron na po tayong available na superkalan burner, hose, at regulator

Sa lahat po ng aming masugid na customers ngayon pa lamang po ay agad ko ng ipinapaalam na wala po kaming give away ulit...
14/10/2021

Sa lahat po ng aming masugid na customers ngayon pa lamang po ay agad ko ng ipinapaalam na wala po kaming give away ulit itong December dahil mahirap pong lumuwas ng Maynila kapag walang sasakyan na apat ang gulong, bawal po kasi ang tricycle sa National rd. kahit dagdagan ko pa po ito ng isa pang gulong para maging apat🤗🤗🤗. Pero wag po kayong malungkot dahil magkakaroon po tayo ng kaunting parafflle na lang na tiyak naman na inyong magugustuhan kapag kayo ay pinalad. Kaya patuloy lang po kayo sa pagtangkilik ng ating produkto (Morillo Gas) upang sa gayon ay may pag-asa po kayong manalo, malay mo po makapag-uwi ka ng 1 sack of rice. At sa mga hindi pa namin customer diyan pwede pa po kayo makasali dahil ang cut-off po ng pagtatala ay hanggang December 10 pa po kaya ano pa pong hinihintay niyo order na po kayo!

Address

B64 L10 P2 Southville 5a
Carmona
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Langkiwa Morillo Gas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Langkiwa Morillo Gas:

Share

Category