30/05/2026
SATISFACTION RATING NI VP SARA
Bahagyang tumaas ang net satisfaction rating ni Vice Pres. Sara Duterte, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Marso.
1-point increase ito mula sa +28 net satisfaction rating ng Bise noong Nobyembre 2025.
Sa survey, 54% ng mga Pinoy ang satisfied sa performance ni VP Sara habang 28% ang nagsabing hindi sila kontento.
Katumbas ito ng net satisfaction rating na +29 na itinuturing ng SWS na "moderate."