16/11/2025
kahit anong sigaw natin at kahit pa ilang milyon natin,pag hindi sumang ayon ang mga philippine authorities like AFP,PNP,COASTGUARDS,NAVY,ETC
NOTE NOTE NOTE,,,,WALANG MANGYAYARI
Atty. Bondoc: 'Sama-sama tayo sa Nov. 16 para matigil na ang pagdurusa ng bayan!'
Nanawagan si Atty. Jimmy Bondoc sa publiko na dumalo sa nakatakdang pagtitipon sa Nobyembre 16, na layong magsumite ng pormal na petisyon sa pamahalaan upang iparating ang hinaing ng mga mamamayan.
Ayon kay Bondoc, oras na para marinig ng gobyerno ang panawagan para sa mas mabilis at malinaw na aksiyon sa mga suliraning nagpapahirap sa taumbayan.
“Pumunta po kayo sa November 16 para po mag-petition sa ating gobyerno for redress of grievances, para po dinggin ng pamahalaan ang ating tinig, na ang gobyerno ay kailangang mag-ayos na, para matigil na po ang pagdurusa ng taong bayan,” pahayag niya.
Iginiit ni Bondoc na ang pagtitipon ay hindi umano para sa anumang partidong pulitikal, kundi para sa sama-samang panawagan ng mga Pilipino na naghahangad ng reporma at mas maayos na pamamahala.