24/01/2026
Kamusta na mga BOSSING & MADAM namin. Sa mga mahal naming customer. Pasensya na po at mahabang panahon na wala tayong update sa ating shop. Salamat sa mga patuloy na nag chachat sa page na to at patuloy na nagtatanong lalo na po sa main Fb account ko at sa mga loyal at regular customer nakin. Pasensya na po at hanggang ngayon ay TEMPORARY CLOSED padin po ang ating shop. Kasalukuyan po na nasa ibang bansa ako ngayon at nagkaroon po ng opportunity na magtrabaho bilang isang MEKANIKO NG MGA MOTOR at mga kilalang RACE BIKE dito sa bansang Canada 🇨🇦. Sa ngayon po ay nandito parin ako at madaming natutunan sa mga ibat ibang larangan ng pag momotor at lalo sa mga standard at efficient na pag gagawa ng engine, electrical at specially suspension. Mas nagkaron po ako ng malawak na kaalaman pa na noon ay di ko pa nalalaman sa motor. Kaya kung sakali na magkaroon ng pagkakataon na makagawa ako ulit sa bansa natin. Ngayon palang po nag papasalamat na ako sa mga boss at madam natin na patuloy na susuporta st tatangkilik sa gawa natin.
Muli maraming salamat po mga KA-CHAMPION ! Ride safe everyone.