02/07/2021
Ingat po sa mga nagiikot at nagpapanggap daw na tiga DOE. Modus nila ay mag check sila ng tanke at regulator ninyo sa loob ng bahay. After nila ma check, sasabihan kayo na delikado na ang regulator ninyo at kailangan na palitan. Saka nila kayo aalukin ng regulator ranging from 3,000 to 6,000. Nasa 580 to 1500 lang po ang good quality na regulator. Sa takot ng mga customer napipilitan sila na bilhin yung over priced na regulator.
Marami na po kasi kami customer na nabiktima at halos pare pareho sila ng kwento.
Kung me naamoy kayo na gas leak o anumang hindi normal sa tanke at regulator ninyo, ipa check po natin sa dealer ng LPG ninyo.
Ingat po tayo.
God bless!