30/11/2025
WALA MUNANG IMPOUNDING
Sinuspende muna ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-i-impound ng e-bike, e-trike, at iba pang light electric vehicles na mahuhuling dadaan sa national roads sa Lunes, Dec. 1, anunsyo ni LTO Chief Asec. Markus Lacanilao.
Magsisimula ang "strict enforcement" ng paghuli at pag-impound ng e-vehicles sa national highways sa Jan. 2, 2026.
Paliwanag ni Lacanilao, magkakasa sila ng malawakang information drive para maunawaan at makasunod ang publiko sa regulasyon sa e-vehicles.
"Iisa lang ang layunin ng LTO, hindi upang pahirapan ang publiko kundi upang matiyak na ang ating mga kalsada ay ligtas, maayos, at may malinaw na pananagutan ng bawat gumagamit nito."