26/05/2025
NEWS UPDATE: As of 12:00 ng tanghali ngayong Lunes, May 26, umabot na sa 479 motorista ang lumabag sa unang araw ng pagpapatupad ng no contact apprehension policy (NCAP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang NCAP ay ang panghuhuli ng paglabag sa batas-trapiko ng mga nagmamaneho, base sa mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng MMDA. | via Bernard Ferrer