03/03/2026
MOTORTECH Tips: Usapang Change Oil
Gaano nga ba dapat kadalas magpa-change oil?
Napansin mo ba na karamihan ng mekaniko, ang laging payo ay 1,500 - 2,000km lang? Pero sa manual ng Honda Click o NMAX, nakalagay na 6,000km. Ano nga ba ang totoo?
Ang sagot sa ating quiz:
A. Every 1,500-2,000km: Madalas itong sinasabi ng mas old school na riders at ng mga mekaniko. Sa mga lumang motor kasi, wala pang maayos na oil filter (lalo na sa mga lumang modelo), kaya mabilis madumihan ang langis. Pero sa modern bikes at Fully Synthetic oil, masyadong maaga ito. Maaaring ito ay “safe” na range, pero kadalasan ay sayang lang ito sa pera.
B. Every once in a while: I’d see her smile…🎶
C. Kapag mausok na: 🙅♂️Negatib, Boss! Mas malaki na problema mo niyan!
D. Depende sa motor at paggamit: ITO ANG TAMANG SAGOT! ✅
Bakit "Depende" at hindi fix na 1,500km? 🧐
Tingnan natin ang Manual vs. Realidad:
Honda Click 125i: Sabi sa manual, every 6,000km or 6 months (after the first 1,000 km)
Yamaha NMAX: Sabi sa manual, every 6,000km or 6 months (after the first 1,000 km)
Ang Logic:
Ang mga manufacturer ay nag-tetest sa "normal conditions." Pero dahil nasa Pilipinas tayo, kung saan mainit, mausok, matraffic, at marami sa ating nakamotor na bumabyahe araw-araw, madalas ay nasa “severe use” tayo.
Kung Ikaw Ay:
Daily rider (Commute/Delivery): Iksian mo ang interval. Huwag mo nang sagarin, lalo na kung araw-araw kang sumasabak sa traffic.
Weekend Warrior: Kung ginagamit mo lang ang motor pang-kape o long ride paminsan minsan, baka mas time interval ang mas mahalaga kaysa sa distansya.
Whichever Comes First: Distansya man o buwan, kung ano ang mauna, ‘yun ang sundin.
So kailan?
Huwag lang umasa sa Odometer. Ugaliin nating mag-check ng langis EVERY ONCE IN A WHILE 😉. Kaya Hugutin ang dipstick! Kung maitim na, malapot, may kakaibang amoy, o kung kulang na ang level, huwag nang mag-antay ng 1,500 o 4,000. Palitan na agad!
Hindi isang late change oil ang sisira sa makina, kundi sa paulit-ulit na kapabayaan. Tandaan, konting gastos ngayon, malaking tipid bukas.
Hindi sigurado kung tama ang interval mo? Daan lang kayo sa shop. Titingnan natin at ire-recommend namin base sa paggamit mo.
Ride safe, mga Boss! 🏍️✨
1,500km o 6,000km? Ano ang sinusunod mo? Comment below.