08/09/2026
Kapag maulan, mas kailangan ng attention ang car aircon dahil mas madaling magkaroon ng moisture at mabaho ang loob ng sasakyan. 🚗🌧️
Mga advice sa car aircon kapag tag-ulan:
* 🌬️ Gamitin ang A/C kahit maulan para makatulong na mabawasan ang moisture at fogging sa loob.
* 🪟 Kapag nagfa-fog ang windshield, i-on ang A/C at gamitin ang defog/defrost setting.
* 🧼 Regular na linisin o palitan ang cabin filter dahil naiipon dito ang alikabok, moisture at dumi.
* 💧 Huwag hayaang laging basa ang floor mat at carpet, dahil puwedeng pagmulan ng amoy kulob.
* 👃 Kapag may mabahong amoy, mahina ang lamig, o kakaibang tunog, magandang ipa-check agad ang aircon.
* 🔧 Huwag hintaying tuluyang mawalan ng lamig bago magpa-checkup—mas mabuting maagapan ang problema.
Simple reminder: Maulan man o maaraw, alagaan ang car aircon para laging malamig, fresh at comfortable ang biyahe. 🚗❄️
TANDAAN: Mas lamang ang may ALAM‼️💡