20/06/2026
SOLD ❗❗❗SOLD ❗❗❗
Buhay Buy And Sell
ITO YUNG DI MAINTINDIHAN NG KARAMIHAN
Sa kahit ano mang klaseng negosyo, maliit man o malaki, may pwesto man o wala ang reality ay malaki ang puhunan, maliit ang tubo. Kaya lahat ng nagnenegosyo, nagtyatyaga yan. Kahit magsimula sa paunti unti, dadami din basta may sipag at tyaga at diskarte sa buhay.
Kadalasan akala ng iba, bawat benta mo, perang panggastos mo na agad yun. Hindi po ganon yun, kukunin lang yung kaunting tubo at yun lang ang pwedeng gastusin, at yung puhunan ay papaikutin uli. Minsan wala pa ngang tinutubo lugi pa pag nagka issue ang unit or may di inaasahang pangyayare.
Sa negosyong buy and sell hindi lang basta maka benta kami.hinihimas at ginastusan din po muna mamin bago namin ibenta..mas pinahahalagahan at iniisip din namin ang sitwsyon ng buyer yung iba or karamihan pinag hirapan pa at inipon ng matagal na panahon yung perang ibibili nila kaya bago kami mag benta sinisigurado muna namin na maayos at na papalitan ang mga dapat palitan para hindi masasayang yung pera pagod at oras nila
Kadalasan yung iba, binabantayan bawat benta mo at sasabihan pang 'ang dami mo ngang nabenta ang yaman mo na siguro'dami mo ng pera.
Mahirap mamuhunan, mahirap magpaikot nang pera.pero na ngangarap din umangat kaya dumiskarte sa malinis na paraan at na natiling patas sa lahat.