02/12/2024
Madali lang mag cheat pero ung sugat na iiwan nyan sa partner mo habang buhay nya dadalin, maaring pinatawad kana nya pero masakit parin sa kanya, kada gabi matutulog kayo maiisip nya ginawa mo, habang hinahalikan mo sya maiisip nya ganun din ba ginawa mo dun sa isa, habang yinayakap mo sya iisipin nya mas mahigpit ba yakap mo dun sa isa, habang sinasabi mong mahal mo sya maiisip nya kung totoo pa ba mga sinasabi mo, oo magbabalikan, magpapatawaran pero alam mo ba ung dillema ng ginawa mo dadalin na nya habang buhay? Hindi lang halata, hindi mo lang ramdam pero ung kurot sa puso nya andun na habang buhay, bitbit nya ung sakit at bigat ng lahat. Itatago nya sayo ung pain kasi gusto nya mabuo ulit kayo pati ang pamilya, lulunokin ang pride, kunyari ok lang lahat, Madali mag cheat pero hindi na mawawala ung sugat, magiging peklat pero andun parin ang lahat. Kaya mag isip ka mabuti, yan panloloko mo maaring sandali lang pero ung sakit na ibibigay nyan sa partner mo pang habang buhay na.