Alaska TV

Call Website Contact the business

Alaska TV Open for Collaborations • Brand Partnerships • Sponsorships • Product Reviews

📩 email me. [email protected]

🕚 11 PM NA, PERO PAHIRAPAN PA RIN ANG PAGPASOK SA BASECO PORT AREA, MANILA! 🏍️🚛Ganito pa rin ang sitwasyon kahit alas-on...
15/10/2026

🕚 11 PM NA, PERO PAHIRAPAN PA RIN ANG PAGPASOK SA BASECO PORT AREA, MANILA! 🏍️🚛
Ganito pa rin ang sitwasyon kahit alas-onse na ng gabi. Hirap pa ring makapasok dahil sa mga malalaking truck na dumadaan.🥹

15/10/2026

Ang utang ay utang, at alam kong kailangan itong bayaran. Hindi ko itinatanggi ang responsibilidad ko. Pero sana naman, huwag kang magkuwento ng mga hindi maganda tungkol sa akin dahil lamang sa may utang ako sa iyo.

Ang utang ko ay maaari kong bayaran at tuluyang matapos. Pero ang mga salitang binitiwan mo, ang tiwalang nasira, at ang sakit na naidulot ng mga kuwento mo—kaya mo bang bawiin ang mga iyon?

Ang pagkakautang ay hindi dahilan para yurakan ang dignidad ng isang tao. Lahat tayo ay maaaring dumaan sa pagsubok sa buhay. Kung may kailangan kang singilin, singilin mo ako nang maayos. Hindi kailangang sirain ang pagkatao ng isang tao para lamang maningil.

Dahil sa huli, ang pera ay maaaring kitain at ang utang ay maaaring mabayaran, pero ang mga salitang nakasakit ay hindi basta-basta mabubura.

Maningil ka nang may respeto, at mangutang ka nang may pananagutan. Pareho tayong may obligasyon na gawin ang tama.😁✌️

15/10/2026
⚠️ MGA PAPS, BAWAL AT DELIKADO ANG PAGGAMIT NG CELLPHONE HABANG NAGMOMOTOR! 🏍️📱Ang dami kong nakikitang motorista na nak...
13/10/2026

⚠️ MGA PAPS, BAWAL AT DELIKADO ANG PAGGAMIT NG CELLPHONE HABANG NAGMOMOTOR! 🏍️📱

Ang dami kong nakikitang motorista na nakatutok sa cellphone habang nagmomotor, lalo na ang ilang naka-automatic na motor.

Mga paps, huwag naman nating gawing biro ang kaligtasan natin. Kahit ilang segundo ka lang tumingin sa cellphone, puwede kang mawalan ng kontrol sa motor at makadisgrasya ng ibang tao.

Alam ba ninyo na ipinagbabawal din ito ng batas? Sa ilalim ng Republic Act No. 10913 o Anti-Distracted Driving Act, bawal ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, kabilang ang paghawak at paggamit nito sa paraang nakagagambala sa pagmamaneho, maliban sa mga pinapahintulutang eksepsiyon.

Hindi porke automatic ang motor ay puwede nang mag-cellphone habang umaandar. Kailangan pa rin ng buong atensyon at disiplina sa kalsada.

Kung may kailangang gawin sa cellphone, huminto muna sa ligtas na lugar.

Tandaan, mga paps: Hindi lang sarili mong buhay ang nakataya. Pati buhay ng ibang motorista at pedestrian ay maaari mong ilagay sa panganib.

🥹📺 MGA PALABAS NOON NA SANA MAIBALIK!Kung ako ang tatanungin, gusto kong maibalik ang mga palabas na tulad ng Wansapanat...
13/10/2026

🥹📺 MGA PALABAS NOON NA SANA MAIBALIK!

Kung ako ang tatanungin, gusto kong maibalik ang mga palabas na tulad ng Wansapanatym, Sineskwela, Hiraya Manawari, Bayani, at Batibot.

Hindi lang kasi sila basta palabas na nagbibigay-aliw. Marami tayong natutuhang aral tungkol sa buhay, pamilya, kabutihan, at paggalang sa kapwa. ❤️

Nakakamiss ang panahong ang mga palabas sa telebisyon ay hindi lang nagpapasaya sa atin, kundi may mga aral ding baon hanggang sa ating pagtanda.

Sana maibalik ang ganitong mga programa para sa bagong henerasyon. Dahil ang mga bata ay hindi lang dapat naaaliw, dapat natututo rin sila ng magagandang asal. 🥹

Kayo mga anong palabas noong kabataan ninyo ang gusto ninyong maibalik sa telebisyon? Comment naman kayo! 👇

11/10/2026

Kayo ba, mga paps, naranasan n’yo na rin bang manibago sa LRT dahil sa tagal n’yong hindi nakasakay?

PAKITANG TAO LANG PO ITO DAHIL MY CAMERATULOY-TULOY PO ANG ATING PAGLILINIS NG BASURA, WALANG KAPALIT AT WALANG INAASAHA...
11/10/2026

PAKITANG TAO LANG PO ITO DAHIL MY CAMERA

TULOY-TULOY PO ANG ATING PAGLILINIS NG BASURA, WALANG KAPALIT AT WALANG INAASAHANG BAYAD. 💚
Sa pamumuno ni [ Boyet Delfin ], patuloy po tayong kumikilos para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.
Hindi po ito pakitang-tao lamang. Ang tunay na malasakit ay ang kusang pagtulong, kahit walang kapalit at walang nakakakita.

💈🔥 SOLID NA BARBER, SOLID NA KAIBIGAN! 💈💯Nagpagupit tayo sa troping barbero na punong-puno ng tattoo, pero sa likod ng m...
11/10/2026

💈🔥 SOLID NA BARBER, SOLID NA KAIBIGAN! 💈💯Nagpagupit tayo sa troping barbero na punong-puno ng tattoo, pero sa likod ng mga tattoo na iyan, isang kaibigang mahusay sa kanyang trabaho at marunong makisama. 💪😎Tandaan natin, mga paps: Huwag agad manghusga sa panlabas na anyo ng isang tao. Hindi nasusukat sa dami ng tattoo ang kabutihan ng puso at ang pagkatao ng isang tao. 🤝❤️
Salamat sa malinis na gupit, tropa! Babalik at babalik tayo sa solid na barbero! 💈

Abangan niyo ang video 📷

Address

Baseco Port Area
South Port District
MANILA

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alaska TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Alaska TV:

Shortcuts

Share