04/03/2025
Nung napaandar na itong Camry may White smoke sa exhaust pag umabot sa normal engine temp. Dahil malamig dito sa Silang, inisip ko na steam lang yun, but upon monitoring, pag inioff yung car at pinaandar mo next day hard starting na sya. Pero pag ini off mo ang car at binuhay agad umaandar agad sya. Hmmp napaisip ako kung anong issue nito.
Umaandar pag kapapatay lang pero, pag matagal eh hard starting na.
Napansin ko pag naghard start sya, may na bulwak n coolant sa exhaust system, which is not normal.
May present ng coolant sa exhaust system, ibig sabihin may leak yung cylinder head gasket ntin or crack sa cylinder head.
Gumamit ako ng camera at pinasdaan ko sa butas ng spark plug, dun ko na confirm na may blown head gasket tayo.
Upon checking ng pistong rings, oka pa lahat kya gasket lng pinalitan natin.
Action taken:
*Replace blown head gasket
*Replaced valve seal
*Valve seat resetting
*Cylinder head flatness testing
*Installation of Cylinderhead assy using appropriate torque wrench
*CRank and Cam shaft timings
*Change oil
Status: One click after top over hauling
Engine is in good condition, mas lumakas yung makina, (engine response) nawala n din issue g white smoke.