Paul Soria

Paul Soria If you cannot find the way out. look up!

17/12/2025
17/12/2025

SAN PEDRO TOURISM DEVELOPMENT COUNCIL, ITINATAG NA!

Buong galak na ipinapaalam ng aming Tanggapan ang pagpasa ng City Ordinance No. 2025-27 na bumubuo sa San Pedro Tourism Development Council at nagtatakda ng kanilang komposisyon at mga kapangyarihan!

Ang SPTDC ay binuo mula sa sa dating San Pedro City Tourism, Culture, and Arts Council, batay na rin sa mga umiiral na regulasyon tulad ng Republic Act No. 11292 o The Seal of Good Local Governance Act of 2019 at DILG Memorandum Circular No. 95-162 na naguutos sa bawat bayan na magtatag ng isang Tourism Council na binubuo ng mga kasapi mula sa sektor pampribado at pampubliko.

Sa ilalim ng ordinansang ito, ang SPTDC ay isa nang permanenteng konseho ng Pamahalaang Lungsod na magiging katuwang sa pagbabalangkas ng mga polisiya at programa na magpapalakas sa turismo ng Lungsod ng San Pedro. Nakabatay ang mga gagawing polisiya at programa sa mga itinatadhana ng batas tulad ng Tourism Act of 2009 (RA 9593) at Local Government Code of 1991 (RA 7160).

Batay sa Ordinance No. 2025-27, ang SPTDC ay pangungunahan ng Punong Lungsod bilang Tagapangulo nito, at ang Bise-Alkalde bilang Pangalawang Pangulo. Miyembro rin nito ang ilang mga Puno ng Kagawaran ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, maging ang mga kinatawan mula sa iba't ibang mga sektor panturismo, sa sektor ng akademya, kabataan, at pagnenegosyo. Ang SPTCAO ang siyang magsisilbing Secretariat ng nasabing konseho.

Nagpapasalamat ang ating Tanggapan sa ating Sangguniang Panlungsod sa pagpasa ng ordinansang ito, at kay Konsehal Gius Castasus na siyang nag-isponsor ng resolusyong ito bilang bahagi ng kanyang pagiging Tagapangulo ng Komite ng Turismo, Kultura, at Sining.

Umaasa ang aming Tanggapan na magiging simula ito ng paglakas at pag-unlad ng turismo sa Lungsod ng San Pedro!



17/12/2025
11/12/2025
08/12/2025

To all the parents who give their all para sa mga anak nila—this is for you.

Hindi biro ang maging magulang. Lalo na kung bawat sentimo mo ay iniipon, inaayos, at inuuna para sa ikasasaya at ikabubuti ng mga anak mo. Yung tipong kahit sarili mong gusto, nilalampasan mo na lang—basta may maibigay ka lang sa kanila. Minsan, wala ka nang natira sa sarili mo, pero ang importante sa’yo, may ngiti sila sa labi at may laman ang tiyan nila.

To the moms and dads who silently struggle but continue to show up daily—na kahit pagod na pagod na, wala pa ring reklamo… dahil mahal niyo ang pamilya niyo ng buo at totoo—saludo ako sa inyo.

I pray that one day, hindi na kayo kailangang mamroblema kung saan kukunin ang pambili ng pagkain, gatas, baon, o tuition. I hope dumating yung araw na hindi na lang sapat kundi sobra-sobra pa ang pera niyo. Yung tipong makakapagpahinga na kayo, makakabili ng gusto niyo, at makakapag-ipon pa para sa kinabukasan. 🥹☝🏻

Lord, bless the parents who are giving it all.
May their pockets never run empty,
and may their hearts overflow with peace, joy, and provision. 💕

Dahil kung para sa anak, lahat kaya natin tiisin.
Pero sana dumating din yung panahon na hindi na kailangang tiisin ang hirap, kundi maranasan naman ang ginhawa. ☝🏻

😂😂😂😂
03/12/2025

😂😂😂😂

03/12/2025

Address

San Pedro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paul Soria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share