21/09/2026
May alam ka ba sa e-bike?
Bawal na ba ang EV sa ferry?
Sa ngayon, hindi pa ito nationwide ban. Sinabi ng DOE na hindi pa partikular na ipinagbabawal ng kasalukuyang regulations ang pagsakay ng electric vehicles sa mga barko.
Gayunman, pansamantalang hindi tumatanggap ng EV at hybrid vehicles ang Montenegro Shipping Lines habang pinag-aaralan pa ang mas malinaw na safety standards.
Kasalukuyang nagtutulungan ang DOE, BFP, MARINA at Philippine Coast Guard para gumawa ng mga patakaran tungkol sa:
• EV at lithium-battery fire safety
• Pagdadala ng EV at hybrid vehicles sa ferry
• Proteksiyon ng mga pasahero, crew at barko
Mahalagang paglilinaw: Patuloy pa ang imbestigasyon sa MV June Aster fire. Ayon sa MARINA, wala pang final finding na ang EV na sakay ng ferry ang sanhi ng sunog.
Kung may biyahe ka, tawagan muna ang shipping company at itanong kung tinatanggap nila ang iyong e-bike, e-trike o EV. Hindi pa rin malinaw kung pare-pareho ang sakop ng bawat temporary company policy.
May plano ka bang isakay ang e-bike o e-trike mo sa ferry? Anong ruta?
E-Alam — para mas alam mo ang e-bike mo.
Official statement:
https://marina.gov.ph/2026/09/18/marina-official-statement-2/
Additional source:
https://www.pna.gov.ph/articles/1284308