20/10/2026
ππππ ππππππ ππ πππ πππ-πππ-πππ, πππππππππ ππ πππ ππ πππ; ππππππππ ππππππππππ, ππππ ππππππππ
Inaksyunan ng Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang insidenteng kinasangkutan ng isang taxi driver na umalis sa isang gasoline station nang hindi binabayaran ang ikinargang gasolina.
Batay sa CCTV footage na nakarating sa ahensya, makikita ang naturang taxi driver na nagpakarga ng gasolina bago umalis sa gasoline station nang hindi nagbabayad, isang asal na hindi dapat kinukunsinti sa sinumang may hawak ng lisensya at gumagamit ng pampublikong kalsada.
π MGA HAKBANG AT PARUSANG IPINATAW NG LTO:
- 90-Day Preventive Suspension: Inatasang agad na isuko ng drayber ang kanyang lisensya sa Intelligence and Investigation Division (IID).
- Impound Order: Inilagay na sa alarm ang sasakyan at kasalukuyan nang tinutukoy ng Law Enforcement Service (LES) upang agad na ma-impound.
- Kaso at Paglabag: Inatasan silang humarap sa LTO Central Office sa Oktubre 27, 2026 para magpaliwanag kaugnay ng paglabag na Improper Person to Operate a Motor Vehicle at iba pang posibleng pananagutan.
"Ang pagkakaroon ng lisensya ay may kaakibat na responsibilidad hindi lang sa pagmamaneho kundi pati sa tamang asal bilang motorista. Kung may pananagutang kailangang harapin, hindi dapat takasan," paalala ni LTO Asec. Lacanilao.
π¬ MGA KA-MANIBELA, ANO ANG PANANAW NYO RITO?
Sapat na ba ang 90-day suspension at pag-impound sa taxi, o dapat bang tuluyang bawiin ang lisensya ng mga drayber na nananalasa sa ating mga pump attendant? Ikomento ang inyong saloobin sa ibaba! π