30/07/2024
To all our potential customers or anyone who's planning to rent a car:
Naiintindihan po namin ung budget ninyo and lowest po pinaka gusto ninyo kasi gaya ninyo, believe us or not, naging commuter at renter ang iba samin gaya ninyo bago kami nagkaron ng mga sasakyan at bago itayo ang negosyong ito. Alam yan ng mga taong nakakakilala samin. Kaya unawa namin kayo sa mga pagkakataong sasabihin niyo samin na beyond sa budget ninyo ang prices namin or everytime na nanghihingi kayo ng sobrang babang presyo.
But PLEASE understand na hindi po pwedeng tumawad sa maintenance cost ng sasakyan, at depreciation. Hindi po namin pwedeng tawaran ang presyo ng gulong at ibang parts ng sasakyan na kailangan palitan to make sure na maayos ninyong magagamit ang sasakyan sa bawat pagrenta niyo samin. Kung ibabagsak presyo namin lahat, paano kami kung kulang pa yung mga bayad sa renta samin compare sa mga kailangan ng sasakyan?
Kung lowest prices po ang hanap ninyo, there are lots of alternative options at unang una dun ay ang mag-commute. Please remember, hindi lang po ang pag gamit ng sasakyan at serbisyo namin ang binabayaran ninyo sa bawat renta pero yung convenience na hindi niyo na kailangan pumila sa mga public transportation terminals, makipagsiksikan, maghintay ng masasakyan habang umuulan o sobrang tirik ng araw, mahirapan magbitbit ng mga gamit o kapag may kasamang mga bata, traffic pero wala kang magawa kundi maghintay kasi hindi ka pwedeng magbago ng ruta, traffic sa initan o ulan na aalis kang sobrang fresh pero darating kang hulas na hulas na, at kung ano ano pang scenario na pwede ninyong maiwasan kapag nagrenta kayo ng sasakyan versus magcommute kayo.
Hindi po porke marami kayong nakikitang mas mura sa offer namin, ay dapat pantayan namin ang presyo nila, iba iba po kaming kompanya at iba iba kami ng inooffer na sasakyan, when we say iba-iba, hindi lang po modelo ang pinaguusapan dito pero yung mileage, thread life ng gulong, at maraming pang iba.
Hindi po namin kayo pipigilang mamili ng mas mura, karapatan niyo yun pero wag niyo kaming sabihan na mahal ang offer namin. Nirerespeto namin desisyon niyong maghanap ng options kaya sana irespeto niyo rin yung part namin as car owners and business owners.
We always prioritize your safety above all. Kaya hindi kami pwedeng manghingi ng discounts sa mga bagay na gagawin o ilalagay sa sasakyan to make sure na safe kayo sa bawat renta niyo samin.
Patuloy kaming grateful and thankful sa patuloy ninyong pagtangkilik sa serbisyo namin. 🙏
Ito ay isang paalala lang sa lahat hindi lang para sa mga potential customers namin kundi para sa ibang potential customers ng ibang car rental companies/car owners.
Maraming salamat at ride safe po sating lahat! 🙏💯
CCTO.
JDC CAR RENTALS