06/11/2022
Share ko lng po para makatulong sa mga napapagastos ng malaki sa pagtaas ng temperature wag po muna kayo agad magpa overhaul ng makina Kasi minsan nasa cooling system lang pala Ang problem, #1. try nyo muna sa radiator baka barado or may leak, #2. If na overhaul na radiator pero tumataas parin Ang temp baka stock up narin Ang thermostat malalaman mo yan kapag nasa normal temperature ka na try mo hawakan Ang upper hose at lower hose dapat parehong mainit yan kapag Isa lng Ang mainit stock-up na yan need replacement pero wag kayo bibili ng mumurahin na thermostat dahil palpak din yan. #3. Check mo radiator fan mo baka kahit nasa normal temperature ka na Hindi parin umiikot kapag Naka off Ang Aircon minsan need lang palitan Ang temperature sending unit or Ang worst Nyan motor fan replacement. #4. Minsan napupuno Ang reserve and nag overflow pa, dahil yan sa sira Ang radiator cap may singaw na sya kaya baligtad Ang nangyari instead na hihigop sya sa reserve pabuga na sya Kya nauubos Ang tubig sa radiator reason ng pagtaas ng temperature. #5. Dis align Ang fillerneck Kya kahit bago na Ang radiator cap mo magtataka ka bakit may singaw prin, need lang palitan ng new fillerneck kailangan mo jan ng radiator technician pero dapat bantayan mo Yung fillerneck na ilalagay nya dapat brand new or else same scenario ka prin. Papano ba malalaman if may singaw Ang radiator cap una pwede mo ma check kahit nakakabit pa radiator subukan mo lng alisin Yung maliit na hose na nakakabit sa fillerneck na Naka connect sa reserve then pigain mo Yung upper radiator hose kapag may bumuga na tubig sa fillerneck may singaw yan. Pangalawa pinaka mainam madala sa radiator technician para ma pressure test Kaso Ang problema Yung ibang shop walang pressure test pero kung malapit ka sakin may pressure test ako.😁. Tandaan po cooling system Ang dahilan bakit nag overheat Ang sasakyan kaya mainam na I checked palagi Ang mga ito dahil Isa lang Jan Ang may problem sa katagalan maging Big problem po yan. Sana po nakatulong ito sa inyo.👍