11/07/2018
G-cafe PH
August 10, 2018
Mahal Naming Café Partners,
Nais po namin ipaalam na hindi na namin ipagpapatuloy ang aming operasyon sa Pilipinas sa darating na ika-10 ng Agosto 2018. Nangangahulugan nito na ang aming telepono o “hotline” ay hindi na matatawagan. Maging ang aming “onsite support” o pagpunta para sa pag-aayos ng inyong cafe ay hindi na available.
Simula sa araw na ito, ititigil na ang pagtanggap at pag proseso ng mga payments para sa inyong subscripsyon. Sa mga kasalukuyang subscribers, kami po ay direktang makikipagugnayan sa inyo, para sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa iyong refund.
Sa mga naka G-cafe Updater, ang automatikong pag download ng lahat ng games at patches galing sa aming server ay hindi na magagamit. Ganoon pa man, maaari pa ring gamitin ang pag manual update, gamit ang “Push” function ng G-cafe Updater.
Para naman sa mga naka G-cafe Timer, pansamantala pa rin itong magagamit, hanggang sa aming susunod na abiso.
Bilang pangwakas na tala, muli kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagtangkilik sa aming produkto. Hinahangad namin ang patuloy na pagunlad ng inyong negosyo.
Taos-pusong sumasainyo,
Garena Cybercafe Team PH