20/06/2024
Opinyon ko lang po ito..
Mahirap bang mag istance?
Sa totoo lang po madali lang pong mag istance.
Kaliwa't kanan po madami nang seller ng naka set nang shocks. Caloocan, batangas, laguna, north, south, quezon. Name it, marami nang builder jan. Pwede kang bumili o mag DIY. Pm mo lang mga kilala mong tropang nagawa at magpaturo ka. Matututo ka din. Try and try lang din.
Madali lang magistance. Kapag nakasagad ka na at nakaskas na sa daan, lahat lumilingon sayo. Kanya kanyang mata at opinyon din sa ating ginawang set para sa motor natin. Masarap pakinggan sa tenga natin kapag nakaskas na ang ilalim natin sa kalsada. Alam ko, naramdaman ko na din yon. Mapapa aray ka din lalo na kapag batalya na ang natama pero oks lang, "stance" tayo eh.
Ano ba ang mahirap sa stance?
Ang mahirap sa stance ay tumagal. Bakit? Biruin mo araw araw kang nakaskas, palit lagi ng bangka araro at pawelding ng chassis dahil sobrang baba ng motor mo na kinakain na ng kalsada ang chassis mo. Bili ka ng bagong mags at lalgyan ng maliit na gulong tapos magkakaron lang ng gutter marks at manong v dahil mafaflatan ka madalas sa sobrang liit ng gulong mo. Tapos kapag ayaw mo na itataas mo na motor mo. Diba mahirap tumagal? Lalo na kapag daily sagad ka, dibale kung semi lowered ka okay okay pa. Pero ung daily sagad ka, yung daily scrape ka, mahirap patunayan na nasa puso mo ang pag iistance kung hanggang picture ka lang at post sa social media.
Ano ang mas mahirap?
Yung daily sagad ka na tapos show ready ka pa. Diko na kailangan pang iemphasize yan.
Saludo ako sa lahat ng mga naka stance jan na daily. Yung hindi jan post lang at malalim ang bulsa. Yung daily scrape at daily grind.
CTTO