28/03/2019
Sa aming mahal na mga customer:
Nakatanggap kami ng mga ulat tungkol isang post na nag sirkula sa social media na nagsasabi na ang LuckyStar ay tumigil na sa operasyon nito at nagbebenta ng mga motorsiklo sa murang presyo.
Nais naming linawin na hindi kami konektado sa taong nag pasimuno ng post na ito. Ang LuckyStar Motorcycles ay patuloy na mag sisilbi sa inyo sa pamamagitan ng aming 32 branches and outlet.
Hindi namin alam kung ang intensyon ng post ay malisyoso o hindi, pero ito ay aming pinaiimbestigahan na at tinitingnan namin ang mga legal na hakbang dito.
Maging mapanuri tayo at kilatising mabuti ang mga post sa social media sa kadahilanang minsan ang mga ito ay peke
at walang katotohanan.
Salamat!